Patuloy na minomonitor ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 260 kilometro sa silangan ng Infanta, Quezon.
Sinabi pa ng PAGASA na maliit ang tiyansa na maging ganap na bagyo ito, gayunman asahan ang maulap na kalangitan at maulang panahon sa Cagayan Valley Region, lalawigan ng Quezon, Aurora, Bicol Region at MIMAROPA dahil sa epekto pa rin ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).