dzme1530.ph

LPA malapit sa Mindanao, nalusaw na

Loading

Nalusaw na o nag-dissipate ang Low Pressure Area na namataan sa kanlurang bahagi ng Mindanao as of 8:00 A.M, ayon sa PAGASA.

Batay sa weather bulletin na inilabas ng pagasa kaninang alas-kuwatro ng madaling araw, inaasahan naman ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa Davao Region, Soccsksargen, Surigao del Sur, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Basilan, Sulu, at Tawi-tawi, dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ganitong panahon din ang mararanasan sa lalawigan ng Aurora at Quezon dala ng Easterlies.

Habang posible naman ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dulot ng mainit at maalinsangan na hangin mula sa karagatang pasipiko.

About The Author