dzme1530.ph

LPA, habagat, localized thunderstoms, makakaapekto sa bansa ngayong araw!

Patuloy na makararanas ng maulap na kalangitan, na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Batanes, at Cagayan bunsod ng trough o extension ng Low Pressure Area, na huling namataan sa layong 790 kilometro sa silangang hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Ganitong panahon din ang inaasahan sa buong magdamag sa Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM at Northern Samar dala naman ng hanging habagat.

Makaaapekto rin ang habagat at localized thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author