Libu- libong pasahero ang na-apektuhan ng flight diversion ng international at domestic flights patungong Manila dulot ng zero visibility sa runway ng Ninoy Aquino International Airport dulot ng masamang panahon.
Aabot sa 18 flights kabilang ang apat na international flights ang na divert sa Clark, at Cebu international Airport.
Sa abiso ng MIAA apat na international flight ang na divert sa Clark international Airport at Cebu international Airport kabilang ang KLM Royal Dutch Airlines
KL 805 mula Amsterdam-Manila (Clark)
Cathay Pacific flight
CX 903 mula Hong Kong-Manila (Cebu)
Turkish Airlines flight
TK 084 mula Istanbul-Manila (Cebu)
PR 113 Los Angeles-Manila (Clark)
Habang sa domestic flights apektado din ang limang flight ng Philippine Airlines
2P 2814 Davao-Manila (Clark)
2P2046 Caticlan-Manila (Clark)
2P 2144 Ilo-ilo-Manila (Clark)
2P 2966 Busuanga-Manila (Clark)
2P 2920 Daraga-Manila (Iloilo)
Cebu Pacific anim na flight
5J 854 Zamboanga-Manila (Clark)
5J 858 Zamboanga-Manila (Clark)
5J 888 Cotabato-Manila (Clark)
5J 2002 Caticlan-Manila (Clark)
DG 6840 Siargao-Manila (Clark)
DG 6196 Daraga-Manila (Clark)
Philippines Air Asia habang dalawa sa
Z2 778 Cebu-Manila (Clark)
Z2 328 Tacloban-Manila (Clark)
17 flight dito nakalapag sa NAIA ng 11:57 kagabi at inantabayan na lamang ang isang flight na hindi pa nakarating ngayong umaga
Sa abiso ng MIAA- Media Affairs division naibiyahe na sa pamamagitan ng land travel o naisakay na ng Bus ang mga apektadong pasahero patungong Manila. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News