Hindi na kailangan ng loyalty check sa uniformed personnel dahil wala namang destabilization plot laban sa Marcos administration.
Ito ang binigyang diin ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., kasabay ng pagsasabing ni hindi nga napag-usapan ang tsismis na destabilisasyon sa command conference sa Camp Aguinaldo na pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos, kahapon.
Ipinaliwanag ni Brawner na nakatutok ang AFP sa mas mahahalagang isyu, gaya ng pagtuldok sa armadong pakikibaka ng mga komunista, pakikitungo sa China sa West Philippine Sea, at pagtugon sa posibleng epekto sa seguridad ng umiigting na kaguluhan sa Middle East, partikular sa pagitan ng Israel at grupong Hamas. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera