Nanindigan ang Dep’t of Information and Communications Technology (DICT) na ang low turnout sa Sim Registration ay hindi dahil sa kawalan ng Gov’t IDs ng mga nagpapa-rehistro.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DICT sec. Ivan John Uy na ito ay bunga ng mga indibidwal na matitigas ang ulo na nakasanayan na ang “last-minute” habit o palaging pagiging huli.
Iginiit pa ni Uy na sa ID System ng Sim Registration ay tinatanggap maging ang mga ID na inisyu ng mga Brgy., at maaari itong ma-access ng lahat ng residente.
Bukod dito, maaari ring gamitin ng publiko ang pasilidad ng kanilang Brgy. o ang kanilang WiFi para sa pagpapa-rehistro ng Sim.
Sinabi pa ng kalihim na sa nagdaang dalawang linggo bago ang orihinal na deadline ngayong April 26, na-obserbahan nilang lumobo sa isang milyon kada araw ang nagpapa-rehistro mula sa dating average na 100,000.
Matatandaang inaprubahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 90-day extension ng Sim Registration. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News