dzme1530.ph

Lotto draw, dapat suspindihin muna

Kinatigan ni Senador Imee Marcos ang suhestyon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na suspindihin muna ang lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office hangga’t nababalot ng kababalaghan ang kanilang proseso.

Sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes, hinikayat ng mga senador ang Department of Information and Communications Technology na busisiin ang sistema ng PCSO lalo na ang kanilang e-lotto.

At habang ginagawa ito, sinabi ni Pimentel na dapat ipagpaliban muna ang draw.

Sinabi ni Marcos na maging siya ay kumbinsido na highly improbable ang dalas at dami ng mga nananalo sa lotto lalo na nang lumabas ang mga numero na pawang divisible by 9.

Dismayado si Marcos na ang kakarampot anyang pagasa ng mga mananaya sa lotto na manalo ng kahit maliit na premyo ay tila inaalis pa ng PCSO na dapat sana ay mas pabor sa mahihirap dahil ang pangunahin nilang misyon ay ang charity o pagkakawanggawa.

Dahil dito, hinimok ng senadora ang PCSO na bigyang prayoridad sa kanilang mga programa ang mahihirap at mga nangangailangan at isantabi ang pansarili nilang interes. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author