dzme1530.ph

Lokasyon ng bumagsak na Cessna Plane sa bicol, tukoy na.

Tukoy na ang lokasyon ng bumagsak na Cessna Plane na napaulat na nawawala sa Bicol noong weekend.
Ayon Sa Civil Aviation Authority of the Philippines, natukoy ang wreckage, gamit ang high resolution camera.
Natagpuan ito sa kanlurang bahagi ng dalisdis ng Bulkang Mayon sa taas na 3,500 to 4,000 feet.
Gayunman, sinabi ng CAAP na hindi pa batid ang kondisyon ng crew at mga pasahero ng eroplano dahil hindi pa nararating ng rescue team ang crash site bunsod ng masamang panahon.
Umalis ang Cessna 340 Aircraft RP-C2080 sa Bicol International Airport, 6:43 am noong sabado, subalit makalipas ang tatlong minuto ay hindi na ito na na-contact ng air traffic controllers nang papalapit na ang eroplano sa Camalig bypass road sa altitude na 2,600 feet.

About The Author