dzme1530.ph

Lokal na produksyon ng pompano, palalakasin ng DA

Target ng Dept. of Agriculture(DA) na palakasin ang lokal na produksyon ng isdang pompano, na potensyal na alternatibo sa milkfish o bangus.

Sa datos ng ahensya, umabot lamang sa 457 metric tons ang domestic yield ng pompano noong 2022, mas mababa ng 3% kumpara sa total imports na 16,004 metric tons sa nasabing taon.

Binigyang-diin ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na handang magbigay ng suporta ang gobyerno sa buong proseso, mula sa production at post-harvest hanggang sa marketing, upang maparami ang naturang isda sa Pilipinas.

Makakatuwang aniya ng kagawaran ang Bureau of Aquatic Resources(BFAR) sa paghikayat sa pagpaparami ng produksyon ng pompano bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na mapaigting ang mariculture parks at modernisasyon ng aquaculture sector. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author