dzme1530.ph

Local workers, tatamaan ng 1,000 layoff ng Grab

Apektado ng mass layoff ang mga empleyado sa Pilipinas ng Singapore-based Grab Holdings Limited.

Ito ang kinumpirma ng Grab Philippines, subalit walang ibinigay na anumang bilang o breakdowns.

Sinabi ng local transport network company, na pinadalhan na nila ng notices ang mga apektadong empleyado.

Una nang inanunsyo ng ride-hailing company noong Martes ng gabi na  isanlibong empleyado ang male-layoff.

Ang multinational technology company ay nag-o-operate sa Singapore, Malaysia, Cambodia, Indonesia, Myanmar, Pilipinas, Thailand, at Vietnam. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author