Inamin ni Liza Soberano na ang kanyang timbang ang kanyang “number one insecurity,” dahil lagi siyang bina-bash tungkol dito hanggang sa nakaapekto na ito sa kanyang Mental Health.
Sinabi ng Aktres na labis na nakaapekto sa kanya ang kumalat na tsismis na buntis siya dahil lamang tumaba siya pero hindi naman siya overweight.
Binigyang diin ni Liza na “very health” conscious siya, bagaman ang kanyang katawan ay nasa bigger side dahil sa kanyang genes bilang Filipino-American.
Aminado rin ang Aktres na hindi maganda ang kanyang balat dahil mayroon siyang allergic reactions sa hangin at nagkaroon din siya ng “Alopecia” noong 2020 bunsod sa stress, kung saan tinukoy niya ang pressure at kakulangan ng tulog bilang ilan sa mga dahilan ng kanyang kondisyon. —sa panulat ni Lea Soriano