dzme1530.ph

Listahan election areas of concern sa ilalim ng red category, target maisapinal ng PNP sa katapusan ng Setyembre

Target ng PNP na maisapinal ang kanilang rekomendasyon para sa election areas of concern para sa October 30 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa katapusan ng Setyembre.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, as of Sept. 20, ikinu-konsidera ng PNP ang 246 barangays na isama sa election areas of concern sa ilalim ng red category, na ang ibig sabihin ay sasailalim sa Comelec control.

Karamihan aniya sa mga barangay na ito ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Eastern Visayas, at Bicol.

Kabuuang 1,248 barangays naman ang ikinu-konsidera para sa orange category habang 1,100 barangays para sa yellow category. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author