dzme1530.ph

Lindol sa Jomalig, Quezon, ibinaba ng Phivolcs sa magnitude 3.5

Loading

Ibinaba sa magnitude 3.5 ang lindol na tumama sa Jomalig, Quezon, kaninang 7:00a.m., na unang napaulat na magnitude 4.3.

Natunton ng Phivolcs ang epicenter ng lindol 41km hilagang silangan ng naturang bayan.

May lalim ang lindol na 2km at tectonic ang origin nito.

Naramdaman ang Intensity 2 sa Jomalig, Quezon.

Naitala naman ang Instrumental Intensity 2 sa Polillo, Quezon at Intensity 1 sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

Wala namang inaasahang mga pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

About The Author