dzme1530.ph

Limang ahensiya ng gobyerno, itinuring na “Most Trusted” ng publiko —Survey

Limang ahensya ng gobyerno ang itinuturing na “Most Trusted ng publiko,” batay sa Tugon ng Masa Survey noong Second Quarter ng 2023.

Kabilang dito ang Commission on Higher Education, Department of Education, Philippine National Police, Department of Health, at Department of Social Welfare and Development na nanguna sa listahan ng 25 ahensya ng gobyerno na may mataas na performance rating.

Sa resulta ng poll na isinagawa noong July 22 hanggang 26 sa 1,200 respondents, nakakuha ng pinakamataas o 80% rating ang CHED; 79% sa DEPED; 76% sa PNP; 75% sa DOH at 73% sa DSWD.

91% mula sa Visayas ang satisfied sa performance ng CHED, habang 9% ang undecided.

86% din ng respondents mula sa Mindanao at National Capital Region ang nasiyahan at 71% sa Balance Luzon. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author