dzme1530.ph

Ligalisasyon ng motorcycle taxi, malaking tulong sa mga commuter

Malaking tulong sa commuters kung maisasabatas na ang panukalang gawing ligal ang motorcycle taxi sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng, marami ring benepisyo para sa ekonomiya ang well-regulated at inclusive framework para sa motorcycle taxis sa Pilipinas.

Sinabi ng resource person na sa sandaling maisabatas ang pagsa-sa-legal ng motorcycle-for-hire, marami nang opsyon ang mga commuter para sa mas kumbinyente nilang pagbabiyahe.

Sa ngayon, tatlong motorcycle taxi companies na kinabibilangan ng Angkas, JoyRide at Move It ang bahagi ng pilot program na pinapayagang bumiyahe sa Metro Manila sa ilalim ng provisional authority to operate na inisyu ng Department of Transportation (DOTr).

Sa tala ng Angkas, nasa 30,000 ang kanlang riders o nasa 50% ng market share.

Matatandaang tinangka pang harangin ng Angkas ng pagpasok ng dalawa pang kumpanya noong January 2020 sa pamamagitan ng petisyon sa Quezon City court para maglabas ng 72-hour temporary restraining order sa pagbibigay ng go signal sa JoyRide at Move It na makasama sa extended pilot program.

Kinuwestyon kasi ng Angkas ang cap sa bilang ng pinapayagang bikers gayundin ang kakayahan ng JoyRide at Move It sa pilot program. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author