Sumuko sa 23rd Infantry Battallion ang high ranking official ng Communist Party of the Philippines- New People Army (CPP-NPA) at 9 na miyembro nito, sa Brgy Bankasi, Butuan City Mindanao.
Nagbalik-loob sa pamahalaan si Lino Atipan Namatidong alias “Dahon”, Commanding Officer ng Headquarters Force (HQF) Neo, bitbit ang kanyang asawa nasi Reyna Nanganlag o alias “Miray/Snooky” Namatidong, at ang kanilang Regional Staff for Education and Propaganda na si Nestor Panhayan “Labni/Jono” Namatidong; at anim pa nitong mga miyembro.
Sinurender din nila ang 10 high-powered at low-powered firearms, gayundin ang (2) M16 Rifles, (3) Shotguns, (1) AK47 Rifle, (2) M203 Grenade Launchers, (1) Carbine Rifle, at (1) Garand Rifle.
Ayon kay Lt. Col. Jeffrey Balingao, nawalan na nag pag-asa ang mag-asawang leader at nakita nilang wala ng patutunguhan ang kanilang ipinaglalaban kung kaya kusang loob silang sumuko sa pamahalaan. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News