Kagalakan ang nanaig sa libu-libong residente ng Lungsod ng Maynila nang tumanggap ng tig-10 kilong bigas sa idinaos na Kalinga sa Maynila Program na pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna Pangan, na ginanap sa Dagupan St. Tondo, kamakailan.
Kabilang sa mga nakatanggap ng bigas ay ang mga rehistradong botante mula sa Barangay 53, 54, at 55 zone 4 sa District 1, Tondo.
Naging organisado at maayos ang pamamahagi sa pamamagitan ng pagbibigay ng ticket na naglalaman ng pangalan ng botante, address ng bahay at nakasasakop na barangay.
Naging matagumpay ang nasabing programa ng lokal ng lungsod, kabilang pa sa serbisyong alok ang medical consultation sa mga alanggang hayop, clearances, at job vacancies at iba pa!
Naging supportive at kabahagi din ang iba’t-ibang mga Departamento ng Manila LGU sa bangit na aktibidad. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News