Dinepensahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang libreng tuition para sa higher education sa ginanap na pagdinig ng House Appropriations Committee sa 2024 Budget proposal.
Ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, maituturing na “Best Anti-Poverty Strategy” ang free tertiary education para makalikha ng mga magagaling at “highly skilled workers” ang Pilipinas.
Paliwanag ni de Vera, marami ang makikinabang sa libreng tuition, una na rito ang pamilya na maka-ahon sa kahirapan at matiyak na hindi na maipapamana pa sa mga anak ang hirap ng buhay.
Sa ilalim ng National Expenditure Program, halos P30-B ang inaprubahang budget ng CHED. —sa panulat ni Airiam Sancho