dzme1530.ph

LIBRENG SAKAY SA ‘LOVE BUS,’ TARGET SIMULAN NG MMDA SA ABRIL O MAYO

Loading

Target ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagbabalik ng ‘Love Bus’ na magbibigay ng libreng serbisyo sa mga commuter.

 

Kinumpirma ni MMDA Chairman Don Artes na 10 units ng modernong electric vehicles ang ide-deploy, partikular sa Quezon City at Pasig City, simula sa huling bahagi ng Abril o unang linggo ng Mayo.

 

Ang bawat Love Bus, anya, ay may kapasidad na magsakay ng hanggang 30 passengers.

 

Target ng ahensya na patakbuhin ang lima hanggang anim na bus vehicles mula 6 a.m. hanggang 9 o 10 p.m. kada araw-araw.

 

Ang ‘Love Bus’ ay unang inilunsad sa ilalim ng administrasyong Marcos Sr., muling itong binuhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang taon at target na mailunsad ngayong taon.

 

Layun ng proyektong ito na mabawasan ang polusyon, habang nagbibigay ng komportableng serbisyo sa publiko.

 

About The Author