![]()
Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority sa libreng sakay para sa mga commuter na maaapektuhan ng transport strike bukas.
Ayon kay MMDA General Manager Nicholas Torre III, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa security forces para sa deployment ng mga bus at transport vehicles.
Bukod dito, isinusulong din ng ahensya ang ‘active mobility’ o paglalakad at pagbisikleta sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga shower areas at solar-powered waiting sheds.
Binigyang-diin din ni Torre ang paggamit ng teknolohiya sa kanilang command center para sa mabilis na pagtugon sa mga insidente sa kalsada.
