dzme1530.ph

Libo-libong trabaho sa Israel, naghihintay sa mga Pilipino sa sandaling bawiin ang Alert level 2

Inanunsyo ng Embahada ng Israel sa Pilipinas ang pagbubukas ng libo-libong trabaho para sa mga dayuhang manggagawa.

Kasunod ito ng pag-alis ng maraming migrant workers sa Tel Aviv, bunsod ng nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Gayunman, sinabi ni Israeli Ambassador Ilan Fluss na depende ang deployment ng Pinoy workers sa gobyerno ng Pilipinas na naglagay sa israel sa ilalim ng Alert level 2.

Inihayag ni Fluss na mas gusto nila ng mga Pinoy na caregivers dahil mahusay sa wikang ingles at inilarawan niya bilang “Kindest people in the world.”

Bukod sa caregivers, kabilang sa mga trabahong iniaalok ng Israel ay sa mga hotel, agriculture, at construction industries. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author