Hindi pa umano nakatatanggap ng temporary closure order mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lokal na pamahalaan ng Sagbayan, Bohol na nag-uutos na ipasara ang viral resort na nasa Chocolate Hills.
Ayon kay Felito Pon, Executive Sec. ng Office of the Sagbayan Mayor, nito lamang nila nalaman na may temporary closure order ang DENR dahil wala umanong kautusan na ibigay sa kanila.
Kung alam anila ang temporary closure order na inilabas ng DENR noong Setyembre noong nakaraang taon ay hindi maaprubahan ang application for renewal ng pasyalan.
Sakaling mapatunayan aniyang lumabag sa batas ang Captain’s Peak Resort, kanilang ipakakansela ang business permit nito.