dzme1530.ph

Leptospirosis cases bumaba; dengue cases tumaas ng 7% — DOH

Loading

Bagaman bumababa na ang mga kaso ng leptospirosis, tiniyak ng Department of Health (DOH) na nananatiling operational ang 49 dedicated fast lanes para sa mga pasyente.

Sa tala ng DOH, malaki ang ibinaba ng leptospirosis cases mula halos 200 kada araw noong Agosto 3–9, na bumaba sa sampu kada araw simula Agosto 10–14. Sa kabuuan, nakapagtala ang DOH ng 3,752 kaso ng leptospirosis mula Hunyo 8 hanggang Agosto 14.

Samantala, bahagyang lumobo ang kaso ng dengue kasunod ng mga pag-ulan at bagyo noong Hulyo. Umabot sa 15,091 dengue cases ang naitala mula Hulyo 13–28, sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan dala ng bagyong Crising, Emong, at Dante.

Mas mataas ito ng pitong porsiyento kumpara sa 14,131 cases na naitala mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 12.

About The Author