dzme1530.ph

Legislated wage hike bill, suportado ng mayorya ng mga Senador

Kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri na walang sinumang senador ang tutol sa ipinapanukalang dagdag na P100 sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Katunayan, halos lahat anya ay gustong maging co-author ng panukala.

Dahil dito, kumpiyansa si Zubiri na mabilis na maaaprubahan ang panukala na magmamandato sa mga employer sa pribadong sektor ng dagdag na sahod.

Kinatigan din ito ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na nagkumpirmang mayorya na ng mga senador ang nagpahayag ng suporta sa Senate Bill 2534.

Sa ngayon ay siyam na senador ang nagco-sponsor ng panukala na inilatag na ni Senate Committee on Labor chairman Jinggoy Estrada sa plenaryo kahapon.

Una nang ipinanukala ang P150 legislated wage hike subalit ibinaba sa P100 upang mas makayanan ng mga employer.

Kapag naisabatas, aabutin na ng P710 ang daily minimum wage sa Metro Manila. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author