dzme1530.ph

Legal department ng B.I, tumulong sa mga pekeng korporasyon para makakuha ng mga VISA —Justice Sec.

Ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang Legal Department ng Bureau of Immigration (BI) ang tumulong sa mga pekeng korporasyon para makakuha ng pre-arranged employment (9G) VISAs.

Ginawa ni Remulla ang pahayag, isang araw matapos ang pulong nila ni Immigration Commissioner Norman Tansingco sa Department of Justice.

Sinabi ng Kalihim na libo-libong visas ang inisyu sa mahigit 500 korporasyon, kung saan karamihan ay ginamit ng mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Nagbabala si Remulla na maaring managot ang ilang abogado sa naturang isyu, bagaman hindi pa aniya nila hawak ang mga eksaktong pangalan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author