dzme1530.ph

Legacy at big-ticket projects, tatalakayin sa unang cabinet meeting ng administrasyong Marcos ngayong 2025

Loading

Tatalakayin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang gabinete ang malalaking proyekto ng administrasyon.

Ito ay sa unang full Cabinet meeting ngayong 2025, na idaraos sa Martes, Enero 7.

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cesar Chavez, magiging paksa ng Cabinet meeting ang legacy projects kabilang ang big-ticket projects at mga proyektong pinopondohan sa pamamagitan ng Official Development Assistance.

Batay sa website ng National Economic and Development Authority, mayroong 186 na infrastructure flagship projects ang administrasyon, at karamihan sa mga ito ay nasa ilalim ng Dep’t of Public Works and Highways at Dep’t of Transportation.

Kabilang dito ang mga proyekto sa tulay at kalsada, railway, public transportation, airports, irigasyon, dam, at flood-control. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author