dzme1530.ph

Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy na bumababa

Base sa pagtaya ng PAGASA Hydrology Division, aabot na lamang sa 188.81 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam kahapon, na mas mababa sa normal high level nito na 212 meters.

Tiniyak naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na may sapat na suplay ng tubig para sa Metro Manila sa kabila ng pagbaba ng lebel ng tubig sa dam dahil sa El Niño.

Nabatid na 90% ng supply ng tubig sa Metro Manila, Rizal at bahagi ng Cavite ay nanggagaling sa Angat Dam.

Katuwang ang kanilang water concessionaires, sinabi ng MWSS na nagpatupad ito ng augmentation measures, kabilang ang pagkakaroon ng karagdagang water plant sa Rizal at pagsasaayos ng higit 100 deep wells upang maibsan ang epekto ng El Niño.

About The Author