dzme1530.ph

Lebel ng tubig sa Marikina River, bumaba pa

Nasa 10 meters na lang mula sa dating 11 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River dulot ng nararanasang tag-init.

Ayon sa Marikina City Rescue 161, naitala ang bahagyang pagbaba ng tubig sa ilog simula pumasok ang Abril.

Una nang sinabi ni Mayor Marcy Teodoro na hindi pangkaraniwang ang antas ng tubig sa Ilog Marikina gayung mayroon itong 13.5 meters na normal water level.

Samantala, ginamit naman ng ilang residente ang pagkakataon upang makapagtanim ng okra at talbos ng kamote sa tabi ng ilog.

About The Author