Balik-normal na ang antas ng tubig sa Marikina River makaraang itaas sa unang alarma.
Sa datos ng Marikina City Public Information Office, bumaba na sa 14.6 meters ang water level sa nasabing ilog at bukas na rin ang lahat ng floodgates nito kaninang alas-6 ng umaga.
Nabatid na itinataas ang unang alarma sa Marikina River kapag umabot na ang antas ng tubig sa 15 meters above sea level, kung saan dapat nang maghanda ang mga residente; ikalawang alarma naman kapag umakyat na sa 16 meters, na ibig sabihin ay dapat nang lumikas; habang ikatlong alarma kapag umabot na sa 18 meters, kung saan dapat nang magpatupad ng sapilitang paglikas.
Base sa latest update ng PAGASA, patuloy na maka-aapekto sa bansa ang Southwest Monsoon o Habagat na pinalalakas pa ng Typhoon Hanna, at dalawang tropical cyclones na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility. —sa panulat ni Airiam Sancho