dzme1530.ph

Lebel ng tubig sa maraming dam, bumaba sa kabila ng pag-uulang dala ng bagyong “Amang” —PAGASA

Bumaba ang lebel ng tubig sa maraming dam sa Luzon sa kabila ng pag-uulang idinulot ng bagyong “Amang”.

Sa laging handa public briefing, inihayag ni PAGASA spokesperson for Flood Adel Duran, na batay sa kanilang monitoring ay bumaba ng .15 hanggang .66 meters ang reserbang tubig sa mga dam.

Sa Angat Dam, nasa 198.52 meters ang tubig kahapon ng alas-6 ng umaga, na mas mababa ng .31 meters kumpara noong isang araw.

Bumaba rin ng .17 meters ang tubig sa Pantabangan Dam, habang bumaba o halos walang pinagbago ang lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga, at San Roque Dam.

Tanging ang Magat Dam lamang umano ang nakitaan ng pagtaas ng tubig na nadagdagan ng .15 meters, ngunit hindi pa naman ito umaabot sa spilling level na 193 meters.

Sa kabila nito, tiniyak ng PAGASA na nananatiling sapat ang suplay ng tubig para sa irigasyon at households sa Metro Manila at mga karatig bayan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author