dzme1530.ph

Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na tumataas

Patuloy na tumataas ang lebel ng tubig sa Angat dam sa Bulacan matapos ang ilang araw na pagbuhos ng malakas na ulan.

Sa datos ng PAGASA kaninang alas-6 ng umaga, umabot na sa 195.05 meters ang reservoir water level (RWL) ng Angat, mas mataas ng 1.21-meter sa 193.84 meter na naitala kahapon.

Kabilang din sa mga dam na nakapag-ulat ng mataas na antas ng tubig dahil sa pag-ulang dala ng Southwest Monsoon o Habagat na pinalakas ng bagyong Egay ang Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya dam.

Samantala, bumaba naman ang lebel ng tubig sa La Mesa dam at Binga dam, habang nananatili naman ang water level ng Ipo dam. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author