dzme1530.ph

Lebel ng tubig sa angat, balik na sa minimum operating level

Nasa minimum operating level na ang antas ng tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan ngayong Lunes ng umaga.

Batay sa datos na inilabas ng PAGASA Hydro-Meteorology Division, hanggang alas-6 ng umaga kanina, ang reservoir water level sa dam ay nasa 180 meters na mula sa 179.06 meters nitong linggo.

Gayunpaman, nananatiling 30 metrong mababa ang spilling level ng naturang dam na dapat ay nasa 210 meters.

Nabatid na mahigit 90% ng suplay ng tubig sa Metro Manila ay mula sa Angat dam.

Bukod sa Angat dam nakitaan din ng bahagyang pagtaas ng lebel ng tubig ang lahat ng walong iba pang dam sa Luzon.

About The Author