Bumaba pa ang lebel ng tubig sa Angat dam gayundin ang 3 pang reservoir sa Luzon bunsod ng epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon sa PAGASA, umaabot na lamang sa 187.13 meters ang antas ng tubig sa Angat dam na ang normal high water level ay nasa 212 meters.
Habang bahagya ding nabawasan ang lebel ng tubig ng Ipo dam na may 99.88 meters at La Mesa dam, may 75.18 meters gayundin ang San Roque dam na may 227.85 meters na lang.
Una nang sinabi ng PAGASA na dahil sa kawalan ng tubig-ulan kung kaya patuloy na nababawasan ang lebel ng tubig sa ilang dam sa bansa.