Personal nang nakaharap ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang leading sovereign fund managers sa Davos, Switzerland.
Sa second day ng 2024 Annual Meeting ng World Economic Forum sa Davos, nakaharap ni Romualdez sa sidelines si Israfil Mamadov, chief executive officer ng State Oil Fund ng Republic of Azerbaijan, at si Lim Boon Heng, chairman ng Singapore state investment firm Temasek Holdings Limited.
Para kay Romualdez ang “high-level engagements sa international business leaders at policy makers” ay napakahalagang pagkakataon dahil nagbubukas ito ng oportunidad para sa partneships, collaborations at investments at maipakita din ang potensiyal ng Maharlika Investment Fund ng Pilipinas.
Dagdag pa nito, ang pakikipag-palitan ng ideas, best practices at insights sa management, investment policies sa sovereign wealth fund ay malaking tulong upang maisakatuparan ang vision ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ang MIF ay “catalyst sa pag-unlad ng bansa.”
Si Romualdez ay dumalo sa 2024 Annual Meeting ng WEF sa Davos, Switzerland matapos itong personal na anyayahan ni World Economic Forum President Borge Brende. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News