Papayagan pa rin ang late-enrollees para sa School Year 2023-2024 hanggang sa pagtatapos ng Setyembre bilang palugit dahil sa pinsala at epekto ng mga nagdaang bagyo sa bansa.
Ito ang inanunsyo ni Dept. of Education Spokesperson at Asec. Francis Bringas kasabay ng pagtiyak na ma-aabot ng ahensya ang target na 28.8 million enrollments.
Sa datos ng DepEd as of September 6, nasa 25,890,617 ang kabuuang bilang ng enrollees mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan, State Universities and Colleges, at Local Universities and Colleges.
Ito ay mas mababa kumpara sa 28.4 million students na naitala noong nakalipas na Academic Year. —sa panulat ni Airiam Sancho