dzme1530.ph

Laoag, Ilocos Norte, niyanig ng Magnitude 4.3 na lindol

Niyanig ng Magnitude 4.3 na lindol ang probinsiya ng Ilocos Norte alas-9:37 kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong anim na kilometro, kanluran ng Laoag na may lalim na 15 kilometro at tectonic ang origin nito.

Naramdaman ang Intensity IV sa Sinait, Ilocos Sur; Pinili, Ilocos Norte; Intensity III sa lungsod ng Laoag at Batac, Ilocos Norte; maging sa San Juan at Cabugao sa Ilocos Sur.

Intensity II naman sa Bacarra, Dingras, Paoay, Pasuquin, Sarrat, at Currimao, Ilocos Norte.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang aftershocks, ngunit posible anilang magdulot ng pinsala ang lindol.

About The Author