dzme1530.ph

Lalaking dumalaw sa sementeryo sa Malabon, nakita ang pangalan sa Memorial Wall

Ang taimtim sanang pagbisita sa isang pampublikong sementeryo sa Malabon ay naging katatawanan nang makita ng isang miyembro ng pamilya ang kanyang pangalan na nakalagay sa Memorial Wall.

Binisita ni Jimmy Lauzon Jr. ang puntod ng kanyang ama subalit gaya ng ibang mga nagtungo sa Tugatog Public Cemetery, ay pinayagan lamang sila hanggang sa “Wall of Remembrance.”

Nakalagay sa pader ang pangalan ng mga namatay, kaya nagulat si Jimmy nang makita ang kanyang pangalan, dahil sa halip na Lauzon Sr. ay Lauzon Jr. ang nakaukit sa lapida.

Bagaman natawa sila ng kanyang ate, sinabi ni Jimmy na ipababatid niya sa Malabon City Hall ang nangyari.

Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa renovation ang sementeryo sa Tugatog. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author