Nadagdagan pa ang bilang ng Lakas-Christian Muslim Democrats sa Kamara matapos manumpa kahapon sa partido sina Iloilo 1st Dist. Rep. Janette Garin at Rep. Dante Garcia ng La Union 2nd District.
Si Lakas-CMD President at House Speaker Martin Romualdez ang nag-officiate sa panunumpa nina Garin at Garcia, habang present din si former President at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at House Majority Floor Leader Manuel Mannix Dalipe, Jr.
Si Garin na dati na ring naging Kalihim ng Kalusugan ay tumawid sa Lakas mula sa National Unity Party (NUP), samantalang si Garcia ay nagmula sa People’s Reform Party (PRP).
Sa pagdating nina Garin at Garcia, aabot na ngayon sa 94 ang miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News