dzme1530.ph

Lakas-CMD at NPC, tiniyak ang buong suporta kay PBBM

Tiniyak ng mga liderato ng Lakas-CMD at National People’s Coalition (NPC) ang patuloy nilang suporta sa administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., co-chairman ng Lakas-CMD, patuloy ang kanilang pagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ng kanilang Party President na si House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Revilla na pinanday na ng panahon ang matibay at pinagbigkis na pagsasama, pag-uunawaan at pagkakaisa ng buong partido.

Sa kabila anya ng mga pagsubok ay mas lumalakas pa ang kanilang partido.

Samantala, tiniyak din ni NPC chairman at dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na nananatili silang kaalyado ni Pang. Marcos at ng liderato ni House Speaker Romualdez.

Ang mga pahayag nina Revilla at Sotto ay bilang reaksyon sa mga kaganapan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso makaraang palitan bilang senior deputy speaker si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author