Malaki ang posibilidad na i-demolish ang lahat ng istruktura sa Chocolate Hills upang maibalik ang protected area, ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.
Matapos bisitahin ang kontrobersyal na Captain’s Peak Resort sa Bohol, sinabi ni Loyzaga na mayroong disturbance sa ecology na hindi dapat nangyari, kaya kailangan maisagawa ang restoration.
Idinagdag ng kalihim na batid nila na kailangan ng pagkakakitaan dahil mahalaga ito sa ekonomiya, subalit mayroon silang ibang plano hindi lamang para sa ecotourism, kundi pati sa conservation tourism.
Sa bahagi naman ni DILG Secretary Benhur Abalos, sinabi niya na dapat ay mayroong moratorium sa konstruksyon ng mga establisyimento sa Chocolate Hills.