dzme1530.ph

Lahar flow mula sa bulkang Mayon, posible, sakaling umulan ng malakas

Hindi inaalis ng PHIVOLCS ang tiyansa na magkaroon ng lahar flow mula sa bulkang Mayon pababa sa mga river channel sa paanan nito sakaling bumuhos ang malakas na ulan.

Ayon sa PHIVOLCS, wala pa namang epekto ang mga pag-uulan sa lalawigan ng Albay sa aktibidad ng bulkan.

Sa ngayon ayon sa PHIVOLCS “effusive eruption” o tahimik na pagsabog pa lang ang ipinapakita ng Mayon Volcano.

Kahapon aabot sa 306 rockfall events at 2 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkan, batay sa 24-hour observation ng PHIVOLCS.

About The Author