dzme1530.ph

LABINTATLONG BAGONG PUMPING STATIONS, TARGET NI PANGULONG MARCOS JR. NA MAITAYO SA UNANG BAHAGI NG 2027

Loading

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkakaroon ang Metro Manila ng labintatlong karagdagang pumping stations sa katapusan ng 2026 o sa unang bahagi ng 2027 upang masolusyunan ang problema sa baha.
 
Ginawa ng Pangulo ang anunsyo matapos inspeksyunin ang Tripa de Gallina Pumping Station sa Pasay City, na isa sa pinakamalaking pumping stations sa National Capital Region.
 
Inihayag naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes na mula sa naturang bilang, apat na pumping stations ang itatayo ng buo habang ang iba ay i-u-upgrade ang existing na mga pasilidad.
 
Idinagdag ng MMDA chief na bagaman mayroon itong 56-cubic meters per second na pumping capacity ang Tripa de Gallina, nangangailangan pa rin ito ng tulong ng ibang water routes dahil nababarahan ito ng iba’t ibang klase ng basura, gaya ng sofa, ref, TV, at kama.

About The Author