dzme1530.ph

Labi ni DMW Sec. Ople, nasa Malacañang na para sa lying in state ceremony at public viewing

Nasa Malacañang na ang labi ni DMW Sec. Toots Ople para sa lying in state ceremony.

Bandang alas-9:30 ng umaga kanina nang dumating ang ataul ni Ople sa palasyo, at sinalubong ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Kasunod nito ay ini-alay ang misa at necrological service sa Kalayaan Hall para sa namayapang Kalihim.

Dinaluhan ito nina Pangulong Marcos, Vice President Sara Duterte, Executive Sec. Lucas Bersamin, mga miyembro ng gabinete, iba pang opisyal, at gayundin ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Samantala, mamayang ala-1 ng hapon ay magkakaroon ng public viewing sa labi ni Ople.

Matatandaang si Sec. Ople ay pumanaw noong Aug. 22 sa edad na 61, matapos ang pakikipaglaban sa cancer. –ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author