Naiburol na ang labi ni yumaong dating Senador Rodolfo “Pong” Biazon sa Heritage Memorial Park sa Fort Bonifacio lungsod ng Taguig.
Bukod sa naging senador noon 1992 nakapagsilbi rin si Biazon bilang kongresista sa mababang kapulungan ng kongreso.
Mananatili ang labi ni Biazon sa Heritage Memorial Park hanggang June 18 at bukas sa publiko ang pagsilip sa labi ng senador mula alas 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi kung saan magsasagawa ng misa tuwing alas 7 ng gabi.
Sa June 19 daldalhin naman sa Senado sa lungsod ng Pasay ang labi ng dating senador para sa kanyang necrological service ng alas 10 ng umaga at magkakaroon ng public viewing hanggang alas 3 ng hapon.
Ililipat sa Philippine Marines Headquarters sa Holy Child Chapel para sa public viewing simula alas 5 ng hapon.
Binabantayan ito ng mga miyembro ng Philippine Marines ang unit na kinabibilangan ni Biazon noon ito ay heneral at bago naging AFP Chief of the Staff noon taon 1991 at member ng Philippine Military Academy Class noon taon 1961.
Sa June 20 pasado alas 8 ng umaga magkakaroon ng misa at pasado alas 11 ng umaga dadalhin na sa huling hantungan ang labi ni Senador Biazon sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio Taguig City. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News