dzme1530.ph

LA Tenorio, malapit nang matapos sa kanyang Chemotherapy

Ibinahagi ni LA Tenorio ang kanyang mga litrato habang nasa Singapore kung saan sumailalim siya sa panibagong round ng Chemotherapy session.

Ang Barangay Ginebra Superstar ay na-diagnose na mayroong Colon Cancer ilang buwan na ang nakalilipas at sumasailalim sa Chemotherapy sa Mount Elizabeth Hospital sa Singapore.

Kasama ni Tenorio ang malalapit niyang mga kaibigan na nagbibigay ng moral support para sa kanyang recovery.

Nilagyan din ni Tenorio ang litrato ng label na 10/12, na ang ibig sabihin ay nasa pang-10 na siya sa 12 chemo sessions na kailangan niyang pagdaanan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author