dzme1530.ph

Kris Aquino, nakasamang muli ang dalawang anak bago sumailalim sa chemotherapy

Nakipagkita si Kris Aquino sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby sa US bago siya sumailalim sa chemotherapy medication bilang bahagi ng kanyang immunosuppressant therapy.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kris ang ilang litrato ng kanilang reunion sa Los Angeles, kung saan makikita ang katuwaan ng magkapatid na makasama muli ang kanilang ina.

Sinabi ni Kris na tinawagan niya ang mga anak para muli niyang makasama sa kabila ng kagustuhan niya na ma-enjoy ni Bimby ang pagiging tipikal na teenager, pati na rin ang masayang pananatili ni Joshua sa Tarlac.

Idinagdag ng TV host-actress na ang dalawa niyang anak ang buhay na paalala sa kanya na huwag sumuko dahil kailangan pa nila ng malusog na mama, kasabay ng pangakong itutuloy niya ang laban. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author