dzme1530.ph

Koreana inaresto ng Immigration dahil sa Telco Fraud

Arestado ang isang Koreana na pinaghahanap ng mga otoridad sa kanyang bansa dahil sa telco fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang 28-anyos na suspek na si Kim Yerum, nadakip sa Angeles City, Pampanga ng BI Fugitive Search Unit (FSU).

Sa record ng mga otoridada sangkot si Kim voice phishing syndicate na “Minjun family”na nag-o-operate mula pa noong 2017.

Binibiktima umano ng sindikato ang mga kababayan nila sa Korea na tinatakot sa pamamagitan ng tawag sa telepono saka hinihingan ng salapi.

Si Kim ay nasa red notice ng Interpol noon pang buwan ng March 2020, at ito’y nakatakdang ipatatapon na pabalik ng South Korea upang harapin ang kanyang kaso. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author