dzme1530.ph

Kooperasyon sa Brazil sa agrikultura, trade and investment, at depensa, handang palakasin ng Pangulo

Bukas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin pa ang bilateral relations sa Brazil.

Ito ay sa pagtanggap ng Pangulo sa credentials ni bagong Brazilian Ambassador Gilberto Fonseca Guimarães de Moura.

Umaasa si Marcos na mapalalakas pa ng Pilipinas at Brazil ang kooperasyon sa agrikultura, trade and investment, depensa, at pangangalaga sa kapaligiran.

Sinabi naman ng Brazilian envoy na handa ang kanyang bansa na palawakin pa ang kolaborasyon sa Pilipinas.

Ngayong taon ay ipagdiriwang ng Pilipinas at Brazil ang ika-78 taon ng diplomatic relations. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

 

About The Author