Tiwala ang militar na matatapos na ang Insurgency sa Eastern Visayas bago matapos ang taon.
Ito ang sinabi ni 8th Infantry o “Stormtroopers” Division Commander Major General Camilo Ligayo sa regular na pulong balitaan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Maj. Gen. Ligayo, nagtutulungan ang Armed forces of the Philippines at NTF-ELCAC para mabuwag ang dalawang nalalabing New People’s Army (NPA) guerilla front sa area of operations ng 8th ID, na sakop ang Samar, Leyte at Biliran.
Sinabi ni Ligayo, nitong nakalipas na buwan ay halos diskaril na ang mga guerilla front o nasa “weakened status”.
Wala na rin aniya na matatakbuhan ang mga nalalabing pwersa ng NPA sa kanilang area of operations dahil wala nang mga komunidad na tumatanggap sa kanila, at wala silang mapagtaguan kundi sa kabundukan para matakasan ang malawakang operasyon ng militar. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News