dzme1530.ph

Komprehensibong solusyon sa Airport congestion, pinalalatag

Sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Summer Season, nanawagan si Sen. Christopher “Bong” Go sa transportation authorities na maglatag ng komprehensibong solusyon sa mga problema ng mga biyahero sa congestion sa mga paliparan.

Sinabi ni Go na may magaganda nang pasilidad sa mga paliparan at kailangan ay ayusin ang management system.

Ibinahagi rin ni Go na alinsunod sa programa ng dating administrasyon na Build Build Build, sinuportahan anya ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang konstruksyon ng panibagong Airport sa Bulacan para sa mas kumbinyenteng biyahe ng mga pasahero.

Kaya naman buo rin ang suporta ng senador sa Build, Better, More program ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., para palakasin ang turismo at ekonomiya.

Pinayuhan naman nito ang publiko na agahan ang punta sa mga Airport bago ang oras ng kanilang biyahe upang maiwasan ang anumang aberya.

Tuloy tuloy din ang apela ni Go sa mga ahensya ng gobyerno na bumuo ng mas maayos at malakas na airport management system, kasama na ang contingency plans, kasunod na rin ng naging aberya sa NAIA noong bagong taon.

Ipinaalala ni Go na nakasalalay sa traffic control ang buhay ng mga pasaherong nasa ere. –sa panulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author